PANIMULA
Sa panahon ngayon, mabilis
magbago ang lahat na para bang tila nilalamon ng makabago at modernong panahon
ang kinagisnan ng mga tao. Ano nga ba ang epekto ng pagbabagong ito sa kasaysayan
ng bawat tao atmaging sa bansang Pilipinas. Isa na rito ay ang Wikang Filipino,
para ba sa inyo meron pa bang papel ang
wikang Filipino sa harap na laganap na globalisasyon? Sinasabi ng iba na
mas kailangan paunlarin ang kaalaman ng mga Pilipino sa wikang Ingles sapagkat
ito raw ay higit na makakatulong sa kanilang kinabukasan, ito raw ay isang
wikang komersyo, wika ng makabagong teknolohiya sumakatuwid ang wika ng
globalisasyon. Ang ganitong pananaw ay naniniwala na ang kaalaman sa wikang
Ingles ng mga Pilipino ay isa sa mga pangunahing batayan sa pagiging
kompetitibo. Isa rin itong dahilan ng komparatibong kalamangan ng mga mamamayan
sa kalakalang internasyonal, Ang nasabing ito ay may punto ngunit naisip ba ng
mga taong iyon na dahil rito nahahati ang mga Pilipino? Upang mangibabaw ang
epekto ng pagsasanib kaysa epekto ng paghahati, higit na tama ang gawing susi
ang Wikang Filipino bilang wika sa laganap na globalisasyon. Ibig sabihin
mahalin, gamitin ng tama at pahalagahan ang wikang nabanggit.
Ano nga ba muna ang papel ng wikang
Filipino sa lipunan? Ang wika ay isang
mahalagang sangkap sa isang lipunan dahit ito ay nagsisilbing isntrumento ng
bawat tao upang maipahayag ang kanilang saloobin at pananaw tungkol sa isang
bagay. Dahil rin rito may kakayahan itong maging susi sa integrasyon ng isang
lipunan. Pero paano kung ang isang lipunan o bansa ay maraming wikang
ginagamit? Magreresulta ito sa hindi
pagkakaintindihan ng iba’t ibang sector o lugar sa isang bansa. Siyempre hindi
maiiwasan na meron na mga mangingibabaw
na wika at ito ay ang mga wikang madalas gamitin at kailagang gamitin. Isang
halimbawa na ay ang wikang Ingles bilang nangingibabaw na wika sa larangan ng
pulitika, batas, ekonimiya, at kultura sa bayang ito. Dito nakita na naging
malaki ang epekto ng globalisasyon sa ating kultura at tradisyon. Noong unang henerasyon, merong
mga taong patuloy na tumatangkilik sa mga produkto at sumasalita ng sariling
wika. Sa paraan na ito, napapayaman nila ang wikang Pilipino gamit ang wastong
pagsasalita ng sariling wika. Pinapakita
dito na dapat sila ang gayahin sapagkat sila ang mga katutubo habang tayo’y
nasa sinapupunan ng mga ina natin, sila ang patuloy na lumalaban sa kalayaan ng
bansang Pilipinas, kung kaya’t tayo’y nagkaroon ng sariling wika na dapat
respetuhin. Pero sa panahon ngayon, tila’y nababale wala na lamang ang wikang
Pilipino, sapagkat dito na pumapasok ang mga iba’t-ibang larangan ng
pananalita.
Sa
ganitong sitwasyon, naiimpluwensyahan ng mga dayuhan, ang mga tao na magsalita
ng kanilang wika, o tumangkilik sa kanilang produkto dahil itong bansang
Pilipinas ay hindi gaanong malaki para gumawa ng mga produkto na matibay, kung
kaya’t pinipili nila ang mga produkto sa ibang bansa para magamit ng matagalan.
Sa paggamit naman ng wika, naeengganyo ang mga Pilipino na magsalita ng ibang
wika sapagkat “cool” daw pakinggan kapag iba ang wika na sinasabi. Merong laganap na salita ngayon na tinatawag
na “conyo” na kadalasan mapaparinggan
o makikita natin sa mga kabataan ngayon. Ito ay ang pagsasalita ng hindi
deretsong wikang Filipino kundi ito ay may halong wikang Ingles gaya ng “Let’s go outside and buy tusok-tusok”na
ang ibig sabihin lamang ay bumili ng fishball sa labas. Isa pang patunay na
nakakaapekto ang globalisasyon sa lipunang ito ay ang pagaaral ng iba’t ibang
lenguahe o ang Foreign Language Education.
Ayon sa pagsasaliksik, may mga eskwelahan na kailangan aralin ang ibang
lenguahe bukod sa wikang Filipino, mga halimbawa ay Nihongo, Spanish, French at iba pa. Sa ganitong isyu mas lalong
napapagiwanan ang wikang Filipino at mas nagiging sanay pa ang mga tao sa ibang
lenguahe kesa sa nararapat na lenguahe para sa kanila. Ang layunin ng
adbokasiyang ito ay maisama ang dumaraming mamamayang Filipino na mas
nakakaunawa sa wikang Filipino sa mga biyaya ng globalisasyon.
MUNGKAHING TITULO
SA
PAG-USBONG NG GLOBALISASYON, WIKANG FILIPINO’Y DI DAPAT MAGLAHO.Nakapapansin na ang Wikang
Pilipino ay paunti-unting nawawala sa ating kasaysayan. Maaring hindi ito
napapansin ng iba sapagkat nasa iba ang kanilang pokus. Nagkukulang na rin sa
atensyon ang Wikang Pilipino dahil nariyan na ang iba’t ibang lenguahe na nakaka-impluwensya
sa mga mamayan. Ang nasabing titulo ay isang paalala sa mga Pilipino na ang
kanilang wikang kinalakihan ay hindi dapat mawala sa halipdapat ito ay
manatili, patatagin at gamitin ng tama. Kung sa gayon ang ating bansa ay
umunlad, maging mapayapa at likas na may pagkakaisa. Ang paggamit ng iisang
wika ay isang sandata sa ibang lugar na nagpapakita ng kaisahan at pagmamahal
sa sariling bayan.
RASYUNAL
Sa panahon ng modernisasyon,
kapansin pansin ang mabilis na pagbabago sa anumang bagay, lugar at higit sa
lahat ng tao. Huwag na tayong lumayo, pansinin natin ang mga Pilipino na higit
na mas may kaalaman sa wikang dayuhan kesa sa wika natin. Ang iba naman ay
lumilikha ng kanilang sariling salita gaya ng ‘gay language’ na nakalimutan ng gamitin ang sariling wikang
itinaguyod noon na makuha at mapaunnlad. Ang wikang Filipino ay sariling wika
ng Pilipinas na dapat ipagmalaki at hindi dapat hinahayaan na mawala dahil ito
ay isang pinakamayaman na salita na naibigay ng mga katutubo at ating mga
bayani sa Pilipinas. Kaya ito ang napili ng grupo na ito, sa kadahilanan na
tila wala ng pakialam ang mga Pilipino sa paunti-unting pag-laho ng wikang
Filipino sapagkat umusbong ang salitang Ingles kung kaya’t ito ay natuturing
nilang sariling wika. Kung mapapansin, mas mataas tignan ang salitang Ingles
kaysa sa salitang Filipino, sa dahilanan na pang-local lang ang wikang Filipino
at hindi ito matuturing na pang-International na wika. Umusbong rin ang ibang
wika na nilikha lamang sa katuwaan na naging mas marami ang nakakaalam tulad ng
‘jejemon’ at ‘gay language’. Kagustuhan
ng grupong ito na maipakita ang kahalagahan ng sariling wikang kinalakihan kesa
sa mga umuusbong na kung anu-ano ngayon. Isa pa maipakita na higit na mas
kailangan gamitin ang wikang atin kesa sa iba dito sa Pilipinas.
MITHIIN
Sa panahon ngayon, wikang
ingles na ang madalas na nagagamit ng mga pilipino kaysa sa sariling wika dahil
mas bihasa na ang wikang ingles kesa sa wikang pilipino. Ang minimithi ng mga
magaaral ay kelangang hindi maglaho ang wikang pilipino sa bansa ng mga
pilipino at kelangan nilang mapatunayan na mas namamayani pa rin ang wikang
pilipino kaysa sa ibang wika dahil wikang pilipino ang sariling wika nila at
dahil diyan, minimitji ng mga magaaral na hindi maglaho at mas tumatag pa ang
sarili nilang wika.
LAYUNIN
Ang layunin ng mga magaaral na
mapatatag at di dapat maglaho ang sarili nilang wika. Sapagkat mas namamayani
na ang wikang ingles sa bansa, mas nabibigyang pansin na ang ibang wika kaysa
sa sariling wika.
DISENSYO
NG PROYEKTO: ADBOKASIYA
BENEPISYO AT INAASAHANG RESULTA
Sa
adbokasiya ito, mapapayaman ang wikang Filipino sa bansang Pilipinas sapagkat
itong issue na ito ay mapapalalim ang isipan ukol sa globalisasyon, malilinawan
at maiintindihan ang ano talaga ang kaugnayan ng globalisasyon sa wikang
Filipino. Kahit na may globalisasyon na umiiral sa bansang Pilipinas, hindi
dapat hinahayaang mabale wala ang sariling wika ng bansang ito, ang wikang Filipino ay isa sa mahalaga at pinakamayaman na pagmamayari ng mga Pilipino,
dahil sa wika na ito nagkakaintindihan at nagkakaisa ang bawat Pilipino. Ang
magiging resulta nito sa mga Pilipino ay mabibigyan na ng pansin ang pagrespeto
sa wikang Filipino. Maiintindihan na nila ang paggamit ng wikang Filipino ay
pagrespeto na din sa bansang Pilipinas. Kahit na may taglay na masamang epekto
ang globalisasyon subalit hindi mawawala ang globalisasyon sa bansa sapagkat
kailangan ng bansa ang mga pangangalakal upang yumaman sa ekonomiya ang bansa,
mauunawaan nila na mainang gamitin ng mahinhin ang mga salita na ginagamit sa
globalisasyon sapagkat hindi naman nakakasama ito sa pagkatao, ngunit
nakakahiya sa nagpalaya sa mga Pilipino na nagbuwis pa ng buhay para makamtam
ang kalayaan ng bansa, kung kaya’t para mabigyan ng utang na loob ang tao na
yun, ang gawin ng bawat Pilipino ay gamitin ng tama at respetuhin ang wikang
Pilipino.
MGA HALIMBAWA NG WIKA SA PANAHON NG
GLOBALISASYON
1.
Churchill : sosyal
2.
Let’s make pasok na to our class!
3.
Ruffa : laklak
4.
Zsa Zsa Padilla : o siya, sige!
5.
G0oD Morn1n6! : Good Morning
6.
I know right! So sarap nga eh!
7.
Kakainis naman in the LRT! How plenty the tao, you
know people?
8.
eoWw PoHhWx!
9.
vBie
10. d2
nA p0hz m3!
11. Jongoloids
: bobo
12. Julalay
: alalay
13. Manilyn
reynes : pera/ulan
14. I’m
like, making aral at the Arrhneo!
15. We
have to make dala pa kasi the jumbo Physics book eh!
16. Indiana
Jones : hindi sumipot
17. Lucrecia
Kasilag : baliw
18. Pinkalou
: pink
19. Tiboli
: tomboy
20. Juding
: bakla
21. EOW
p0wh~ hoW~ zAreZu~ iTZ beEN A loNG tym~ SincE weVE SeEn eAcH othEr~
22. GUDpM~
p0Wh. hoW ZaREZu~ 2nYT, n0H? itz alReADY 3 m nd u zAREzstLl aWKe JEJEJe p0wh.~
U sHoUld SleEp~ alrEADY~ BeCauSe iT iz l8~ jeJejeJEje~
23. Bigalou
: big
24. Borta
: malaking katawan
25. Expected
na something colorful ang presentations of awardees nang gabing iyon dahil sa
emcee pa lang na sina Nova Villa at Rowell Santiago, expected na something to
watch ang Annual Sining-Himig Award na ito. . . .
26. Gelli
de Bellen : Jealous
27. Dude,
you know, ang init.
28. Bro,
I'm from Ateneo eh pare and i hear all the conyos making usap like this. So I'm
mejo familiar with it din chong.
29. Tom
Jones : Gutom
30. Heller
– hello
-domingorealyn, DLSL
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteMaganda ang pagkakagawa nito, may malinaw na mensahe, at may magandang maidudulot para sa mga Pilipino.
ReplyDeleteniceeee! pwede po bang makuha biography mo author para po sana sa presentation ko po ng pananaliksik need ko po biography mo hehe
ReplyDeleteIto ay isang pangkalahatang pahayag sa publiko mula sa Mayo Clinic at interesado kaming bumili ng mga bato, kung interesado kang magbenta ng isang bato, mabait makipag-ugnay sa amin nang direkta sa aming email sa ibaba sa
ReplyDeletemayocareclinic@gmail.com
Tandaan: Ito ay isang ligtas na transaksyon at garantisado ang iyong kaligtasan.
Mabait na magpadala sa amin ng isang email message para sa karagdagang impormasyon.
Tanong ko lang po, ano po ba ang pangunahing papel ng Wikang Filipino sa Globalisasyon?
ReplyDeleteyoutube fpl - YouTube Live, HD, TV - VideoDl.CC
ReplyDeleteyoutube fpl, youtube fpl, youtube fpl, youtube fpl, youtube fpl, youtube fpl, youtube fpl, youtube fpl, youtube fpl, youtube fpl, youtube fpl, youtube fpl, youtube fpl, youtube fpl, youtube fpl, youtube mp3 youtube fpl, youtube fpl.