Saturday, September 26, 2015

SA PAG-USBONG NG GLOBALISASYON, WIKANG PILIPINO’Y DI DAPAT MAGLAHO

PANIMULA
      Sa panahon ngayon, mabilis magbago ang lahat na para bang tila nilalamon ng makabago at modernong panahon ang kinagisnan ng mga tao. Ano nga ba ang epekto ng pagbabagong ito sa kasaysayan ng bawat tao atmaging sa bansang Pilipinas. Isa na rito ay ang Wikang Filipino, para ba sa inyo meron pa bang papel ang wikang Filipino sa harap na laganap na globalisasyon? Sinasabi ng iba na mas kailangan paunlarin ang kaalaman ng mga Pilipino sa wikang Ingles sapagkat ito raw ay higit na makakatulong sa kanilang kinabukasan, ito raw ay isang wikang komersyo, wika ng makabagong teknolohiya sumakatuwid ang wika ng globalisasyon. Ang ganitong pananaw ay naniniwala na ang kaalaman sa wikang Ingles ng mga Pilipino ay isa sa mga pangunahing batayan sa pagiging kompetitibo. Isa rin itong dahilan ng komparatibong kalamangan ng mga mamamayan sa kalakalang internasyonal, Ang nasabing ito ay may punto ngunit naisip ba ng mga taong iyon na dahil rito nahahati ang mga Pilipino? Upang mangibabaw ang epekto ng pagsasanib kaysa epekto ng paghahati, higit na tama ang gawing susi ang Wikang Filipino bilang wika sa laganap na globalisasyon. Ibig sabihin mahalin, gamitin ng tama at pahalagahan ang wikang nabanggit.

          Ano nga ba muna ang papel ng wikang Filipino sa lipunan?  Ang wika ay isang mahalagang sangkap sa isang lipunan dahit ito ay nagsisilbing isntrumento ng bawat tao upang maipahayag ang kanilang saloobin at pananaw tungkol sa isang bagay. Dahil rin rito may kakayahan itong maging susi sa integrasyon ng isang lipunan. Pero paano kung ang isang lipunan o bansa ay maraming wikang ginagamit?  Magreresulta ito sa hindi pagkakaintindihan ng iba’t ibang sector o lugar sa isang bansa. Siyempre hindi maiiwasan na meron  na mga mangingibabaw na wika at ito ay ang mga wikang madalas gamitin at kailagang gamitin. Isang halimbawa na ay ang wikang Ingles bilang nangingibabaw na wika sa larangan ng pulitika, batas, ekonimiya, at kultura sa bayang ito. Dito nakita na naging malaki ang epekto ng globalisasyon sa ating kultura at tradisyon. Noong unang henerasyon, merong mga taong patuloy na tumatangkilik sa mga produkto at sumasalita ng sariling wika. Sa paraan na ito, napapayaman nila ang wikang Pilipino gamit ang wastong pagsasalita ng sariling wika.  Pinapakita dito na dapat sila ang gayahin sapagkat sila ang mga katutubo habang tayo’y nasa sinapupunan ng mga ina natin, sila ang patuloy na lumalaban sa kalayaan ng bansang Pilipinas, kung kaya’t tayo’y nagkaroon ng sariling wika na dapat respetuhin. Pero sa panahon ngayon, tila’y nababale wala na lamang ang wikang Pilipino, sapagkat dito na pumapasok ang mga iba’t-ibang larangan ng pananalita.


Sa ganitong sitwasyon, naiimpluwensyahan ng mga dayuhan, ang mga tao na magsalita ng kanilang wika, o tumangkilik sa kanilang produkto dahil itong bansang Pilipinas ay hindi gaanong malaki para gumawa ng mga produkto na matibay, kung kaya’t pinipili nila ang mga produkto sa ibang bansa para magamit ng matagalan. Sa paggamit naman ng wika, naeengganyo ang mga Pilipino na magsalita ng ibang wika sapagkat “cool” daw pakinggan kapag iba ang wika na sinasabi.  Merong laganap na salita ngayon na tinatawag na “conyo” na kadalasan mapaparinggan o makikita natin sa mga kabataan ngayon. Ito ay ang pagsasalita ng hindi deretsong wikang Filipino kundi ito ay may halong wikang Ingles gaya ng “Let’s go outside and buy tusok-tusok”na ang ibig sabihin lamang ay bumili ng fishball sa labas. Isa pang patunay na nakakaapekto ang globalisasyon sa lipunang ito ay ang pagaaral ng iba’t ibang lenguahe o ang Foreign Language Education. Ayon sa pagsasaliksik, may mga eskwelahan na kailangan aralin ang ibang lenguahe bukod sa wikang Filipino, mga halimbawa ay Nihongo, Spanish, French at iba pa. Sa ganitong isyu mas lalong napapagiwanan ang wikang Filipino at mas nagiging sanay pa ang mga tao sa ibang lenguahe kesa sa nararapat na lenguahe para sa kanila. Ang layunin ng adbokasiyang ito ay maisama ang dumaraming mamamayang Filipino na mas nakakaunawa sa wikang Filipino sa mga biyaya ng globalisasyon. 

MUNGKAHING TITULO
        SA PAG-USBONG NG GLOBALISASYON, WIKANG FILIPINO’Y DI DAPAT MAGLAHO.Nakapapansin na ang Wikang Pilipino ay paunti-unting nawawala sa ating kasaysayan. Maaring hindi ito napapansin ng iba sapagkat nasa iba ang kanilang pokus. Nagkukulang na rin sa atensyon ang Wikang Pilipino dahil nariyan na ang iba’t ibang lenguahe na nakaka-impluwensya sa mga mamayan. Ang nasabing titulo ay isang paalala sa mga Pilipino na ang kanilang wikang kinalakihan ay hindi dapat mawala sa halipdapat ito ay manatili, patatagin at gamitin ng tama. Kung sa gayon ang ating bansa ay umunlad, maging mapayapa at likas na may pagkakaisa. Ang paggamit ng iisang wika ay isang sandata sa ibang lugar na nagpapakita ng kaisahan at pagmamahal sa sariling bayan. 

RASYUNAL
Sa panahon ng modernisasyon, kapansin pansin ang mabilis na pagbabago sa anumang bagay, lugar at higit sa lahat ng tao. Huwag na tayong lumayo, pansinin natin ang mga Pilipino na higit na mas may kaalaman sa wikang dayuhan kesa sa wika natin. Ang iba naman ay lumilikha ng kanilang sariling salita gaya ng ‘gay language’ na nakalimutan ng gamitin ang sariling wikang itinaguyod noon na makuha at mapaunnlad. Ang wikang Filipino ay sariling wika ng Pilipinas na dapat ipagmalaki at hindi dapat hinahayaan na mawala dahil ito ay isang pinakamayaman na salita na naibigay ng mga katutubo at ating mga bayani sa Pilipinas. Kaya ito ang napili ng grupo na ito, sa kadahilanan na tila wala ng pakialam ang mga Pilipino sa paunti-unting pag-laho ng wikang Filipino sapagkat umusbong ang salitang Ingles kung kaya’t ito ay natuturing nilang sariling wika. Kung mapapansin, mas mataas tignan ang salitang Ingles kaysa sa salitang Filipino, sa dahilanan na pang-local lang ang wikang Filipino at hindi ito matuturing na pang-International na wika. Umusbong rin ang ibang wika na nilikha lamang sa katuwaan na naging mas marami ang nakakaalam tulad ng ‘jejemon’ at ‘gay language’.  Kagustuhan ng grupong ito na maipakita ang kahalagahan ng sariling wikang kinalakihan kesa sa mga umuusbong na kung anu-ano ngayon. Isa pa maipakita na higit na mas kailangan gamitin ang wikang atin kesa sa iba dito sa Pilipinas.

MITHIIN
Sa panahon ngayon, wikang ingles na ang madalas na nagagamit ng mga pilipino kaysa sa sariling wika dahil mas bihasa na ang wikang ingles kesa sa wikang pilipino. Ang minimithi ng mga magaaral ay kelangang hindi maglaho ang wikang pilipino sa bansa ng mga pilipino at kelangan nilang mapatunayan na mas namamayani pa rin ang wikang pilipino kaysa sa ibang wika dahil wikang pilipino ang sariling wika nila at dahil diyan, minimitji ng mga magaaral na hindi maglaho at mas tumatag pa ang sarili nilang wika.

LAYUNIN
Ang layunin ng mga magaaral na mapatatag at di dapat maglaho ang sarili nilang wika. Sapagkat mas namamayani na ang wikang ingles sa bansa, mas nabibigyang pansin na ang ibang wika kaysa sa sariling wika.

DISENSYO NG PROYEKTO: ADBOKASIYA

      



BENEPISYO AT INAASAHANG RESULTA
Sa adbokasiya ito, mapapayaman ang wikang Filipino sa bansang Pilipinas sapagkat itong issue na ito ay mapapalalim ang isipan ukol sa globalisasyon, malilinawan at maiintindihan ang ano talaga ang kaugnayan ng globalisasyon sa wikang Filipino. Kahit na may globalisasyon na umiiral sa bansang Pilipinas, hindi dapat hinahayaang mabale wala ang sariling wika ng bansang ito, ang wikang Filipino ay isa sa mahalaga at pinakamayaman na pagmamayari ng mga Pilipino, dahil sa wika na ito nagkakaintindihan at nagkakaisa ang bawat Pilipino. Ang magiging resulta nito sa mga Pilipino ay mabibigyan na ng pansin ang pagrespeto sa wikang Filipino. Maiintindihan na nila ang paggamit ng wikang Filipino ay pagrespeto na din sa bansang Pilipinas. Kahit na may taglay na masamang epekto ang globalisasyon subalit hindi mawawala ang globalisasyon sa bansa sapagkat kailangan ng bansa ang mga pangangalakal upang yumaman sa ekonomiya ang bansa, mauunawaan nila na mainang gamitin ng mahinhin ang mga salita na ginagamit sa globalisasyon sapagkat hindi naman nakakasama ito sa pagkatao, ngunit nakakahiya sa nagpalaya sa mga Pilipino na nagbuwis pa ng buhay para makamtam ang kalayaan ng bansa, kung kaya’t para mabigyan ng utang na loob ang tao na yun, ang gawin ng bawat Pilipino ay gamitin ng tama at respetuhin ang wikang Pilipino.

MGA HALIMBAWA NG WIKA SA PANAHON NG GLOBALISASYON
1.    Churchill : sosyal
2.    Let’s make pasok na to our class!
3.    Ruffa : laklak
4.    Zsa Zsa Padilla : o siya, sige!
5.    G0oD Morn1n6! : Good Morning
6.    I know right! So sarap nga eh!
7.    Kakainis naman in the LRT! How plenty the tao, you know people?
8.    eoWw PoHhWx!
9.    vBie
10. d2 nA p0hz m3!
11. Jongoloids : bobo
12. Julalay : alalay
13. Manilyn reynes : pera/ulan
14. I’m like, making aral at the Arrhneo!
15. We have to make dala pa kasi the jumbo Physics book eh!
16. Indiana Jones : hindi sumipot
17. Lucrecia Kasilag : baliw
18. Pinkalou : pink
19. Tiboli : tomboy
20. Juding : bakla
21. EOW p0wh~ hoW~ zAreZu~ iTZ beEN A loNG tym~ SincE weVE SeEn eAcH othEr~
22. GUDpM~ p0Wh. hoW ZaREZu~ 2nYT, n0H? itz alReADY 3 m nd u zAREzstLl aWKe JEJEJe p0wh.~ U sHoUld SleEp~ alrEADY~ BeCauSe iT iz l8~ jeJejeJEje~
23. Bigalou : big
24. Borta : malaking katawan
25. Expected na something colorful ang presentations of awardees nang gabing iyon dahil sa emcee pa lang na sina Nova Villa at Rowell Santiago, expected na something to watch ang Annual Sining-Himig Award na ito. . . .
26. Gelli de Bellen : Jealous
27. Dude, you know, ang init.
28. Bro, I'm from Ateneo eh pare and i hear all the conyos making usap like this. So I'm mejo familiar with it din chong.
29. Tom Jones : Gutom
30. Heller – hello


-domingorealyn, DLSL